Ang wikang Filipino ay kunwari na
tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at ang tanging puso ng ating
bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng ating bayan, Pilipinas.
Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na tinatangkilik ng
mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura. Sa ganon,
tayo, mga Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating
wikang Filipino. Syempre, bawat bayan rin naman ay may kani-kanilang wika rin.
Sa pag-gagamit ng sariling wika, tiyak na magpupuyos ang kalooban ng isang tao
kunwari may kommunikasyon sa isa’t isa na mga Pilipino sa kanilang mga emosyon.
Sa sariling wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung ano ang mapapahayag ng
isang tao.
Ang wikang Filipino rin ay may maraming
kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa isang bansa ay hindi lang
basta-bastang ginagamit sa pagbibigay kommunikasyon kundi ito’y magagamit rin sa
ibang aspekto. Ang mga aspetong ito ay tinatawag na gamit ng wika na kung saan
ay may maraming mga halimbawa nito.
Pito sa mga halimbawa ng gamit ng
wika ay:
· 1. Instrumental
Ang wika ay Instrumental kung ang
sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na kung
may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap
ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo
at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal,
paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.
Halimbawang pangungusap:
§
Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain.
§
Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni
Joseph.
· 2. Regulatoryo
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay
sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring instruksiyon o ang pagkokontrol sa
anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon, direksiyon o proceso sa
kung paano igawa ang isang partikular na bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa.
Halimbawang pangungusap:
§
“Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa
isang araw.”
§
“Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa
mabato na bukid.”
· 3. Interaksyonal
Ang wika ay Interaksyonal kung may
interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng kontak sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan
sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa
wikang Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati, paggawa
ng liham para sa isang tao, at iba pa.
Halimbawang pangungusap:
§
Kita tayo mamaya!
§
Salamat po!
· 4. Personal
Ang wika ay sinasabing Personal
kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin tulad ng pagpapahayag ng sariling
opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal at walang tiyak na balangkas.
Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang panglalait o pagmumura, pagsisigaw,
pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.
· 5. Heuristiko
Ang wika ay Heuristiko dahil sa
wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon at gamit madalas ay mga impormasyon
makakatiwalaan na makamit sa mga propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan.
Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento,
panonood ng mga balita sa telebisyon o dyaryo, at iba pa.
· 6. Imahinatibo
Ang wika ay Imahinatibo ay may
kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay. Madalas itong
kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto. Halimbawa sa wikang
ito ay ang pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa ng nobela, at iba
pa.
· 7. Representasyunal
Ang wikang Representasyunal ay
ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang pagsusulat at pasalita.
Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research paper;
pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa.